Pages

Friday, February 25, 2011

Open Relationship

Mas mabuti na raw 'yung gaguhan na nagiging seryoso, kesa seryoso na nagiging gaguhan.


I know you're leaving in the morning when you wake up // leave me with some kind of proof it's not a dream

Proof. :">

Wednesday, February 16, 2011

Pedestal.

Maraming tao ang gagawa ng lahat para makaakyat sa pedestal.***

I.

Lumaki akong simple – o iyon ang nais kong isipin. Ang tanging umaalipin sa akin noon ay ang pagnanais na mapanatili ang mataas na pagtingin sa akin ng kalakhan ng mga tao sa buhay ko. Boss ko ang matataas na grado, mabait na pagkatao, at kawalan ng nobyo.

Hanggang sa napagdesisyunan kong maghanap ng pagkatuto sa labas ng apat na sulok ng silid-aralan. Pinasok ang pakikipagrelasyon, kapatiran, at pulitika. Dumating ang mga gabing mas maingay pa sa tilaok ng tandang sa pagsisimula ng bawat umaga. Ang mga impit na hikbing nananawagan ng kapayapaan sa mga madaling araw, mga madaling araw kung saan kinakain ng kawalan ang kahapon at bukas. Pumipikit ako upang itaboy lahat ng kalat sa aking hinuha, ngunit lumalabas sa kadiliman ang mga multong nagsusumigaw at bumubulag sa aking kaliwanagan.

Naglaho ang simpleng pamumuhay – nalunod ito sa dugo mula sa mga pagkatutong nagiiwan ng mga sugat na kailanma’y hindi maghihilom. Hinahanap-hanap ko ang malinis na simoy ng hangin – ng hanging hatid lamang ang pag-awit ng mga bulaklak at pag-sayaw ng mga tala. Ngunit napalibutan ako ng hanging sing-itim ng usok galing impyerno, ng hanging nagpapadaloy sa nakaririmarim na tanghoy ng mga lihim na sistema, ng mga saradong kaisipan, at mga buhay na nakalubog sa kumunoy.

Hindi na sapat ang idealismo ng aking mga pangarap. Nawala na ang kalinisan ng aking pagkamusmos.

II.

Bumalik na naman sa nayon ang karnabal, at dagsa ang mga taong sabik sa maingay at makulay na palabas. Mahal ang tiket.

Dati rati, isa rin lamang ako sa mga nanonood sa karnabal. Hindi ko na namalayan na narito na rin ako sa entablado, sa likod ng pulang kurtina, sa gitna ng arena.

Simpleng buhay ang kapalit ng tiket sa karnabal.

Sa karnabal kung saan pati ang iyong katabi ay nakamaskara at nagtatago sa hikbi ng pagtawa.

Hindi ko gusto dito sa entablado. Wala nang espasyo. Tinutulak na nila ako. Nilang mga payasong nagbebenta ng madilim na aliw at mapanganib na ligaya. Gusto ko na lang sanang tumalon, ngunit napakadaming nakikipagsiksikan makarating lamang dito. Silang nagbenta rin ng simpleng buhay para sa tiket papasok ng karnabal.

Gusto ko nalamang manuod ngunit bahagi ako ng palabas.

III.

Lasing ako, ngunit ganun rin ang karamihan sa aking mga kasama. Naghahanap ako ng katinuan ngunit malalim na ang gabi, at nais ko mang bulabugin ang marahang pagdaloy ng oras, sumusuka na ako. Nakakahilo ang pagikot ng mundo, at nais ko mang lunukin pa ang natitirang alak sa aking harapan, naubos na ang dugong lilinis sana sa aking katawan.

Tulad ng karamihan sa mga lasing, hindi ako makalakad ng diretso. Ni hindi na nga ako makatayo.

Araw-araw ay minumura ako ng bawat lamang loob na unti-unti kong winawasak, at nauubos na ang mga rason para ako ay bumangon.

Pinaliguan ko ang aking sarili ng alak. Ngunit hindi sapat ang lakas ng loob mula sa agua di pataranta upang makahanap ng direksyon sa napakalawak na parang ng kawalan.

***Habang tumataas ang pedestal, mas lalo itong napapalayo sa karamihan. Hanggang sa ito’y makarating sa rurok ng pag-iisa.

Keep Calm.

I am an escapist. I used to work well under pressure decades ago, but I have always been an escapist.

I escape when I can’t meet my standards. I escape when situations are locked and whatever I do seems futile. I escape when I get tired.

Today, I made another escape.