Pages

Bakit?

Madalas bumulwak ang mga latak ng lasing kong hinuha sa mga pagkakataong hindi ko maatim na ipakita ito sa kalakhan ng mundong ginagalawan ko; madalas akong magtago sa likod ng panitik at talinhaga kapag nahihilo na ako sa bilis ng pag-ikot ng oras at pagkakataon; madalas ipagkait ang liwanag sa piping musika ng aking kaluluwa.
Kaya nabuo ang ganitong mga pahina.