Pages

Monday, March 14, 2011

Para kang SMB Lifestyle Brews - lasang Apple/Lemon nga, pero sa huli, beer pa rin.

(I have written this against my will)

Masarap uminom ng alak. Hindi na mahalaga kung malamig o hindi. Minsan hindi na rin mahalaga kung mag-isa ka o may kasama. Ang mahalaga, masarap uminom ng alak.

Isang bagay lang ang alam kong mas sasarap sa pag-inom ng alak - malasing. Masarap malasing. Pinakamasarap nga yatang malasing.

Pero pinakamahirap din na malasing. Nakakasuka, masama sa pakiramdam, masakit sa ulo.

***

Masarap manlandi. Hindi na mahalaga kung consistent o hindi. Minsan, hindi na rin mahalaga kung mag-isa ka, o nanlalandi rin siya. Ang mahalaga, masarap manlandi.

Isang bagay lang ang alam kong mas sasarap sa pang-lalandi - magmahal. Masarap magmahal. Pinakamasarap nga yatang magmahal.

Pero pinakamahirap din na magmahal. Nakakasuka, masama sa pakiramdam, masakit sa ulo.





Napaparami na 'ata ang inom 'ko. Titigil na ba, o maglalasing tayo?

No comments:

Post a Comment